Hindi pa naibabalik ng production company na Bitag Media Unlimited Incorporated ang animnapung (60) milyong pisong ibinayad ng Department of Tourism (DOT) para sa placement ad dito.
Ito ang inihayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo–Puyat matapos matanong hinggil sa usapin sa kanyang naging kumpirmasyon kahapon.
Ayon kay Puyat, kanya pang muling aalamin kung naisoli na ang nasabing pondo pero kinakailangan aniya itong ibalik batay na rin sa ipinangko ng abogado ni Teo na si Atty. Ferdinand Topacio.
Mayo 7 nang ihayag ni Topacio na napagpasiyahan aniya ng magkakapatid na Tulfo na ibalik na lamang ang 60 milyong pisong ibinayad ng DOT para sa ipinasok na commercial sa programang Kilos Pronto.
Magugunita ring nagbitiw sa puwesto si teo dahil sa nasabing kontrobersiya.
—-