Sinunog ng mga otoridad ang aabot sa P62 million na halaga ng mga fully grown marijuana plants na nakuha sa three-day eradication operation sa Barangay Buscalan, Butbut Proper, at Loccong sa Tinglayan, Kalinga.
Ayon sa mga otoridad, aabot sa 16 na plantasyon ng marijuana ang natagpuan ng mga otoridad kabilang na ang anim sa Barangay Buscalan; tatlo sa barangay Butbut Proper, at 7 naman sa Barangay Loccong.
Nabatid na umabot 310,000 na piraso ng marijuana plants ang binunot sa 25,950-square meters na lupain matapos ikasa ang operasyon sa tulong ng mga tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-Kalinga).
Dahil dito, pinuri ni Pol. Col. Peter Tagtag Jr., hepe ng Kalinga Police, ang mga operatiba para sa mahusay na trabaho at kanilang pakikipagtulungan sa komunidad na humantong sa matagumpay na operasyon sa nasabing lugar.