Naka-antabay na ang 63,000,000 pisong halaga ng pondo para sa pagtugon sa pinangangambahang pag-a-alboroto ng bulkang Bulusan at Mayon sa Bicol region.
Kabilang sa nasabing halaga ng pondo ang limang milyong pisong standby funds, 13,000,000 pisong halaga ng food packs at 40,000,000 pisong halaga ng non-food items.
Kamakailan ay itinaas ng PHIVOLCS ang alert level 1 sa Bulusan sa Sorsogon habang itinaas sa alert level 2 ang Mayon sa Albay.
Samantala, pinag-iingat na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang mga residente sa paligid ng mga nasabing bulkan na maghanda na sa posibleng paglikas habang inatasan din ang mga local government na tiyaking ligtas ang mga mamamayan. – sa panulat ni Hannah Oledan