Nakumpiska ng mga tauhan ng Department of Agriculture (DA) sa Manila International Container Port (MICP) ang aabot sa P63 million na halaga ng smuggled frozen meat.
Ayon sa DA, nadiskubre ang naturang mga produkto matapos ang surprised inspection sa mga container vans na galing umano sa HongKong at China at nakapangalan sa kumpaniyang Victory JM Enterprise.
Batay sa imbestigasyon, ang nakumpiskang puslit na frozen meat ay una nang idineklara bilang mga frozen prawn balls pero napag-alaman na ang 2 container vans ay naglalaman ng frozen chicken paws, frozen boneless beef, Vietnamese suckling pig, at bean curd skin.
Inaalam na ng ahensya kung sino ang responsable at nasa likod ng mga smuggled meat na posibleng maharap sa kasong Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 o R.A. 10845 at Food Safety Act of 2013 o R.A 10611.