Posibleng gamitin ng Liberal Party o LP sa kanilang kampanya para sa 2016 elections ang P64 Billion Conditional Cash Transfer o CCT program.
Ito ang ibinunyag ng kampo ng United Nationalist Alliance o UNA ni Vice President Jejomar Binay.
Ayon kay UNA Spokesman at Dating Cainta, Rizal Mayor Mon Ilagan, mismong si LP Official at Caloocan City Rep. Edgar Erice ang nagsabing ang CCT program ang titiyak sa panalo ng kanilang presidential bet na si Dating Interior Secretary Mar Roxas sa 2016.
Naka-aalarma anya ito dahil maaaring maka-impluwensya o gamitin na pambili ng boto para sa kandidato ng lp sa 2016 polls ang pondo sa CCT.
Inihayag ni ilagan na kumbinsido rin sila sa una na may bahagi sa P3 Trillion pambansang pondo para sa susunod na taon ang gagamitin ng administration party upang ipanalo si Roxas.
By: Drew Nacino