Isusubasta na sa Marso ang mahigit P65 milyong pisong halaga ng mga ill-gotten property ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at mga crony nito.
Ayon sa Presidential Commission on Good Government, inaprubahan ng privatization council sa pangunguna ng Department of Finance ang pagbebenta ng pitong ari-arian sa pamamagitan ng public bidding.
Kabilang sa isusubasta ang properties sa Tagaytay City, Puerto Galera at Calapan Oriental Mindoro na binawi ng gobyerno mula kay dating National Bureau of Investigation Director Jolly Bugarin.
Na-acquire ni Bugarin ang mga nasabing ari-arian noong siya ang NBI Director sa ilalim ng Marcos administration.
Ibebenta rin ang 5,161 square meter BBC-Legazpi at 5,952 square meter BBC-Naga properties na dating pag-aari ni dating Ambassador Roberto Benedicto na kilalang crony ni Marcos.
By Drew Nacino