Winasak ng Philippine National Police (PNP) at Department of Trade and Industry (DTI) ang aabot sa P65 million halaga ng mga counterfeit o pekeng produkto sa grandstand ng Kampo Krame.
Ito ay bilang bahagi ng programa ng pamahalaan laban sa paglaganap ng mga counterfeit at pirated ng mga produkto at paghabol sa mga lumalabag sa intellectual property law.
Kabilang sa mga ipinasagasa sa bulldozer ang mga pekeng sigarilyo at alak na nagkakahalaga ng P23 million.
Gayundin ang mga pekeng bag, wallet, t-shirts ng Louis Vuitton at Lacoste, Rolex, kilalang brand ng sapatos, cellphone, cellphone cases, cutting blades at mga pekeng DVDs.
Ayon kay Trade and Industry Undersecretary Ted Pascua, walang kinikita ang pamahalaan mula sa mga nasabing pekeng produkto habang nasasakatan naman ang mga lehitimong negosyante kaya dapat nang masawata ito.