Hindi gaanong nakakatulong ang P6,500 na fuel subsidy ng gobyerno sa mga drayber ng bus sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Ito ayon kay Executive Director Alex Yague ng nagkaisang samahan ng nangangasiwa ng panlalawigang bus sa pilipinas incorporated na hindi epektibo ang ayuda.
Paliwanag niya, kung ang biyahe ng mga bus ay nasa 300 km, kumukonsumo ito ng 150 l ng langis, kung imu-multiply ito sa P80 ay nasa P10K ito, na nangangahulugang pang-isang araw lamang ang nasabing halaga ng ayuda.
Dagdag pa niya, kakaunti na lamang ang pumapasada sa ngayon dahil nagbawas na ng biyahe ang mga provincial bus operator.
Samantala, umabot na sa 264K na benepisyaryo ang napamahagian ng first tranche ng fuel subsidy ayon sa LTFRB.