Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang panibagong puslit na smuggled onions sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental.
Ayon kay BOC-Cagayan de Oro Spokesperson Angelo Andrade, nagsagawa sila ng spot-check inspection sa nakadaong na barko na mayroong labing siyam na container vans na unang i-deneklara na naglalaman ng mga ‘Chinese steamed bun’.
Dito na nakita ang mga smuggled na sibuyas na nagkakahalaga ng P67 milyong na mula pa umano sa bansang China.
Natuklasan na bigo rin ang nagsilbing consignee na EMV consumer goods trading na makakuha ng sanitary and phytosanitary import clearance mula sa Department of Agriculture kaya ikino-konsidera na smuggled goods at hindi ito ligtas para gamitin ng publiko.
Nakatakda nang maglabas ng warrant of seizure and detention ang kontrabando habang gugulong ang karagdagang imbestigasyon. —sa panulat ni Angelica Doctolero