Isang mananaya mula sa Cagayan ang maswerteng nakakuha ng P67 million na premyo sa Super Lotto 6/49 draw.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng mananaya ang winning combination na 23-03-02-43-30-07.
Kabuuang P67, 672, 225 ang maiuuwing premyo ng mananaya.
Ang ticket ay nabili sa Lal-lo, Cagayan.
Nitong June 23, dalawang mananaya rin mula sa Tarlac at Iloilo City ang nanalo ng mahigit P73 million na premyo sa Super Lotto 6/49 draw.
Ito ay matapos mahulaan ang winning combination na 36-07-14-21-20-42.
Binobola ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo.