Nasamsam ng magkasanib na pwersa ng PDEA Regional Office-NCR at QCPD Police Station-2 ang nasa P68M halaga ng iligal na droga sa Quezon City.
Sa ikinasang buy bust operation din naaresto ang suspek na si Chinese national na si Liy Fu Gui at 2 pinoy na kinilalang sina Keith Anthony Romo at Nonito Garlindo.
Nakumpiska sa mga suspek ang 10 kilo ng shabu 2 unit ng 4-wheeler na sasakyan at perang ginamit sa buy bust operation.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.