Itinakda ng Senate Committee on Energy ang P6 price cap kada kilowatt hour ng kuryente.
Ito’y sa harap ng sunod-sunod na pagsasailalim sa yellow at red alert sa Luzon grid.
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng komite, ang pagtatakda ng naturang price cap ay nangangahulugang hindi ito lalagpas sa P6 kada kilo watt hour ang babayaran sa kuryente ng mga customer kahit pa tumaas ang singil dito.
Brownout, posible pa ring maranasan sa Luzon grid
Posible pa ring makaranas ng brownout ang residente ng Luzon sa mga susunod na araw.
Ito ang inihayag ni Sen. Sherwin Gatchalian sa gitna ng pagdinig ng senado kaugnay sa sunod-sunod na aberya sa mga planta ng kuryente.
Ayon kay Gatchalian, wala siyang katiyakan na natatanggap mula sa Department of Energy (DOE) na wala nang mararanasang brownout.
Maliban ditto, hindi na rin umano tiyak kung sapat pa ang reserbang kuryente.