Aabot sa P6 milyon na halaga ng marijuana ang nakumpiska ng Benguet Provincial Police Office sa mga naarestong drug suspect.
Kinilala ang mga suspek na sina Mary Ann Felipe Del Rosario, Simiano Tadina Patingan, at Jun Comot Colera na hinarang ng mga pulis sa isang checkpoint sakay ng Mitsubishi Montero.
Ayon sa mga otoridad, nakuhanan pa ng iligal na armas, magazine na may 7 bala ng baril ang isa sa mga nahuling suspek.
Nahaharap ngayon sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms And Ammunition Regulation Act ang mga nahuling suspek.
Samantala, nagsasagawa na ngayon ng follow-up investigation at operation ang mga otoridad para alamin kung may mgasangkot pa sa iligal naaktibidad.
Pinaaalerto na din ni Philippine National Police Chief Police General Guillermo Eleazar, ang kaniyang mga tauhan upang maiwasang makalusot ang mga suspek na nagdadala ng iligal na droga sa Metro Manila maging sa iba pang lugar sa bansa. — Sa panulat ni Angelica Doctolero