Tinatayang anim na milyong pisong halaga ng mga puslit na sibuyas mula China ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Cagayan De Oro.
Ayon sa BOC, dumating ang tatlong 40-footer container na naka-consigned sa Hao International Trading sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental noong Oktubre 15.
Idineklara umanong “frozen malt” at “wanton skin” ang mga nasabing kargamento.
Nakatanggap naman ng impormasyon ang intelligence group ng aduwana na naglalaman umano ang mga container van ng mga “undeclared items” kaya’t inisyuhan ito ng alert order.
Isinailalim sa physical examination ang mga naturang kargamento at dito na tumambad ang mga smuggled na sibuyas. —sa panulat ni Drew Nacino