Aabot sa P7.2-B halaga ng droga at iba pang kemikal ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong araw.
Ayon sa PDEA, naganap ang operasyon sa Integrated Waste Management, Inc. sa Trece Martires City, Cavite.
Kabuuang 1,426 kilo ng shabu ang sinira na nakumpiska mula sa iba’t ibang anti-drug operations.
Batay sa datos ng PDEA laboratory service, pinakamarami sa sinira ang ang mahigit 1,000 kilogram ng shabu na nagkakahalaga ng P7.2-B.
Dumalo sa aktibidad ang Department of Justice, Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police at iba pang law enforcement agencies at non-government organizations. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)