Isang mananaya sa Morong, Bataan ang nanalo ng P7.8 milyon na jackpot prize ng Lotto 6/42.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma, natumbok ng bettor ang six-digit winning combination na 22-18-16-20-13-30.
Nasa 43 bettors naman ang nakahula ng limang numero kaya’t kapwa nakapagbulsa ng tig-24,000 pesos ang mga ito.
Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.