Pinag-aaralan na ng grupo ng mga Bus Operators sa Pilipinas na maghain ng petisyon sa LTFRB para magpatupad ng taas-pasahe.
Kasunod ito ng isa na namang malakihang taas-presyo sa langis na epektibo ngayong araw.
Ayon kay Juliette De Jesus, Internal Affairs Officer ng Mega Manila Consortium Corporation, P7 ang posibleng ihirit nilang dagdag pasahe para sa unang limang kilometro, habang P2.30 centavos sa kada kilometro.
Maliban sa bus, plano rin ng mga jeepney na hilingin sa LTFRB ang pisong provinsional increase na ibinasura noon matapos maaprubahan ang fuel subsidy.
Sa ngayon, naghain na rin ng petisyon ang Western Visayas Transport Cooperatives para sa P6 dagdag pasahe sa mga jeepney sa kanilang lalawigan.