Nasamsam ng mga otoridad sa dalawang naarestong suspek ang aabot sa P700-K halaga ng smuggled cigarattes sa Zamboanga City.
Kinilala ang mga suspek na sina Baning Salih, 42-anyos; at Brazil Muhis Djahirin, 38-anyos, na nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Customs (BOC) sa Sitio Talungon, Barangay San Roque ng nabanggit na probinsya.
Ayon sa mga otoridad, sakay ng isang puting van ang mga suspek na may dalang mga kargamento o katumbas ng 20 kahon ng sigarilyo na walang kaukulang dokumento.
Nito lamang Martes, nakumpiska din ng mga otoridad ang nasa ₱1.2 milyong halaga ng puslit na sigarilyo at nasundan pa ito nitong Miyerkules, nang mahigit ₱1 milyong halaga ng sigarilyo na naharang sa Brgy. Maasin.
Sa ngayon nahaharap sa kaukulang kaso ang dalawang suspek habang inaalam pa ng mga otoridad ang responsable sa iba pang nakumpiskang smuggled cigarettes.