Pinagkalooban ng Estados Unidos ang bansa ng spy drone na nagkakahalaga ng mahigit P700-M.
Sa pamamagitan ng US Embassy sa Maynila, ibinigay nito P710-M unmanned drone system sa Philippine Navy.
Layon nitong mapalakas pa ang security at maritime defense sa mga binabantayang teritoryo ng bansa.
Inaasahang makapagbibigay ng intelligence, surveillance at reconnaissance sa Armed Forces of the Philippines ang scan eagle unmanned aerial system.
Plano namang gamitin ng AFP ang natanggap na military equipment sa Palawan na malapit sa West Philippine Sea.