Tiniyak ng Department of Agriculture na hindi na aabot sa hanggang P700 ang kada kilo ng sibuyas sa bansa, gaya nang nangyari noong nakaraang holiday season.
Sa kabila nito nagpatuloy ang pagmahal ng sibuyas sa mga pamilihan.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Deputy Spokesperson Rex Estoperez, hindi na mangyayari ang sobrang taas na presyo ng sibuyas dahil mayroon pa namang mga stock sa mga cold storage.
Unti-unti naman anyang napababa ang presyo nang umangkat ang pamahalaan sa ibang bansa at umani ang mga magsasaka.
Matatandaang inaprubahan ng D.A. ang pag-aangkat muli ng 23,000 metric tons ng sibuyas upang maibsan ang patuloy na pagtaas ng presyo nito.