Aabot sa 700,000 pisong halaga ng shark fins ang nasabat ng mga otoridad sa Barangay Calumpang, General Santos City.
Naaresto ng mga otoridad ang shark fins seller na si Arjun Tabudlong Pulangkos.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Dadalhin naman sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga nakumpiskang shark fins.