Pagkakalooban ng Australia ng mga medical at Personal Protective Equipment (PPE) ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Australian Minister of Defense Linda Reynolds, ito ay bilang bahagi ng kanilang ibinibigay na suporta sa infectious disease wards ng AFP sa gitna ng pakikipaglaban ng bansa sa COVID-19.
Sinabi ni Reynolds, kabilang sa halos P70M na halaga ng donasyon ng Australia ay mga kagamitang tulad ng kama, mechanical ventilators, ECG machines, laboratory fridge, cardiac monitors, pulse oximeters, UV sterilizers at PPE.
Ani Reynolds, sa kanyang kauna-unahang pagbisita sa Pilipinas, nagkipagpulong siya kay Defense Secretary Delfin Lorenzana para talakayin ang mga isinasagawang pagtugon ng bawat isa laban sa COVID-19.
Gayundin aniya ang kapwa pagtiyak sa pananatili ng maritime security at stability sa indo-pacific region kabilang na ang South China Sea.