Aabot sa P75-B ang halagang nalugi sa mga magsasaka ng palay dahil sa implementasyon ng republic act 11203 o rice liberalization law noong nakaraang taon.
Ito ay batay sa datos ng Anakpawis Partylist, bantay bigas rice watch at Amihan National Federation of Peasant Women.
Ayon sa mga grupo, mula nang naging kasapi ang bansa sa world trade organization noong 1995 ay bumagsak na ang farm gate price ng bigas sa mga baryo.
Dito na rin umano sila nagsimulang malugi at mabaon sa utang.
Lalo pa anilang lumala ang sitwasyon nang maging batas ang ra 11203 na itinututuring ng grupo na “anti-peasant legacy” ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dahil dito nanawagan ang grupo na ibasura ang batas at sa halip ay isulong ang National Rice Industry na siyang iiwanan at magiging pamana sa mga susunod na henerasyon.