Inihihirit ng grupo ng mga manggagawa ang agarang pagpasa ng P750 na minimum wage bill.
Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), ang pagpasa sa House Bill 246, ay malaking tulong para sa mga Pilipino sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo.
Sinabi ng KMU, ang ginagawang pagharang ng mga kapulisan sa kanilang ginagawang mapayapang pagkilos sa harap ng kongreso ay kawalan ng karapatan sa malayang pamamahayag at mapayapang demonstrasyon sa bansa.
Bukod pa diyan, isinusulong din ng KMU ang pagtanggal ng Excise Tax dahil isa ito sa dahilan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.