Tinatayang 75,000 pesos na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa ikinasang operasyon sa Brgy. Ligid-Tipas, Taguig City.
Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Alhazram Bansuan, Anna Marie Fallet, at Angelic Reyes.
Nakumpiska mula sa kanila ang 11 gramo ng halaga ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit 74,000 pesos at 500 pisong buy-bust money.
Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek.