Anim na opisyal ng Department of Health ang nahaharap sa graft at malversation complaints sa office of the Ombudsman.
Kaugnay ito sa umano’y mismanagement ng P786 million na inilaan noong 2022 para sa cancer patients sa ilalim ng cancer Supportive-Palliative Medicines Access Program (CSPMAP).
Ang reklamo ay inihain ni DOH-Program Manager for Cancer at Medical Officer 4, Dr. Clarito Cairo laban kina undersecretary Berverly Lorraine Ho, Director 4 Razel Nikka Hao; Director 4 Anthony Cu; Dr. Kim Patrick Tejano; Dr. Jan Auro Laurelle Llevado at dating Director 4 Anna Melissa Guerrero habang natanggap ng Ombudsman ang kopya ng reklamo noong Disyembre a – 23.
Inakusahan ni Cairo sina Ho at mga kapwa respondent nito ng sinala-ula ang nasabing pondo at pagkupit sa public funds na labag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Iginiit din ng complainant na malinaw ang hangarin ng mga respondent na pahinain ang kanyang technical expertise at institutional memory bilang matagal na cancer control program manager; putulin ang procurement sa DOH Central Office sa pamamagitan ng sub-allotted funds upang ma-access ang sites at pataasin ang kita ng Roche Philippines, partikular sa trastuzumab 600 mg s.c. vial na nasa ilalim ng patent rights nito.