Inutusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company (MERALCO) na magpatupad ng higit P7B refund na sobrang nakolekta nito sa mga nakalipas na taon.
Ito ay katumbas ng bawas na 47c kada kilowatt hour sa residential customers.
Layon ng refund na maibsan ang bigat ng dagdag-singil sa kuryente sa paparating na bill ngayong buwan.
Nabatid na sa bill pa lamang ng kuryente ngayong mayo mararamdaman ng mga konsyumer ang epekto ng pagsipa ng presyo ng langis.