Aabot sa pitong milyong piso ang ipamamahagi ng overseas workers welfare (OFWs) na naapektuhan ng ipinatupad na lockdown sa Shanghai, China bunsod ng pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, nasa 500 hanggang 600 OFW’s sa nasabing lungsod ang nakatakdang makatanggap ng 200 dollars na food assistance habang makakakuha naman ng karagdagang 200 dollars ang mga tinamaan ng COVID-19.
Sinabi pa ni Cacdac na nagsagawa rin ang OWWA ng mental wellness seminar upang matulungan ang mga Pinoy na apektado ng umiiral na lockdowns sa Shanghai, China. – sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)