Naglaan ng 8.5 billion pesos na pondo ang Commission on Elections (COMELEC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa December 5.
Ayon kay Atty. John Rex Laudiangco, tagapagsalita ng COMELEC, ibinatay ang pondo sa updated Statement of Allotment Obligations and Balances na isinumite ni Atty. Martin Niedo, Director ng COMELEC Finance Services Department.
Sa huling datos ng COMELEC, pumalo na sa 1,712,315 ang bagong botanteng nagparehistro sa COMELEC.
Posible namang pumalo sa dalawang milyon ang mga bagong magpaparehistro pagsapit ng deadline sa July 23.