P8.5-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Cebu City.
Ayon kay Cebu Drug Enforcement Group Chief Police Lt. Col Glenn Mayam, naaresto ang suspek na si alyas ‘Raffy’, 23-anyos, sa inuupahan nitong kwarto sa Unit 2 Opra, Barangay Lalunasan.
Binentahan ng suspek ng 1.7 kgs na hinihinalang shabu ang isang undercover agent.
Dalawang buwan isinailalim sa surveillance ang suspek na sinasabing miyembro ng isang malaking sindikato ng iligal na droga na nag-ooperate sa Cebu Cty Jail.
Nahaharap ang suspek sa kasong palabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.