Nasabat ng Bureau of Customs ang nasa P8.6 million na party drugs sa 3 shipment sa Pasay City.
Dalawa sa mga kargamento ay naglalaman ng mahigit 4,500 piraso ng ecstasy tablets na dumating sa Central Mail Exchange Center at Fedex warehouse.
May kabuuang 100 piraso naman ng ecstasy tablet ang nakumpiska ng BOC Sa unang kargamento na may street value na P170,000 habang nasa 4,44 tablet na nagkakahalaga ng P7.6 million ang nadiskubre sa ikalawang kargamento.
Tumitimbang naman ng 178.8 grams ng ketamine na nagkakahalaga ng P892,000 ang nasakote sa ikatlong shipment.
Nagmula ang unang bagahe sa Netherlands na naka-address sa isang “Angeli Khang” ng Tondo, Maynila; ang ikalawa ay dumating mula Germany na nakapangalan sa isang “Patricia Reyes” at idineklarang damit ng mga bata, laruan, at bag.
Naka-address naman sa isang “Ferdie Santos” ang ikatlong kargamento na nagmula sa Malaysia. —sa panulat ni Drew Nacino