Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng higit 8 billion pesos na Notice of Cash Allocation (NCA) para sa Department of Agriculture (DA).
Mababatid na ang naturang pondo ay gagamitin bilang ayuda sa 1.5 million na mga kwalipikadong mga magsasaka para sa 3rd at 4th quarter ng 2022.
Bunsod nito ay inaasahang makakatanggap ng 5,000 pesos ang mga benipisaryo alinsunod sa implementasyon ng Rice Farmers’ Financial Assistance Program (RFFAP) para mabigyang suporta ang mga magsasaka na apektado ng Rice Tariffication Law.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, nararapat lamang na mabigyan ng tamang pag-aruga ang ating mga magsasaka na patuloy na nakikipaglaban sa mga nakaraang kalamidad.
Samantala, saklaw din ng NCA ang service fee, kabilang ang paggawa ng card, para sa rice competitive enhancement fund sa ilalim ng Development Bank of the Philippines.