Kalaboso ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa Panabo City.
Nasamsam nitong Linggo sa isinagawang buy bust ng otoridad ang 12 pirasong pakete ng hinihinalang shabu na aabot sa kalahating kilo na may halagang P8 milyon.
Mahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 ang mga nahuling suspek. — sa panulat ni Rex Espiritu.