Dumulog sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang apat na transport groups para humirit ng umento sa minimum na pasahe sa jeepney sa National Capital Region (NCR), Region 1 at Region 4-A.
Kabilang sa mga naghain ng petisyon para sa 50-centavo fare increase ay ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Associations of the Philippines Inc., Land Transport Organization of the Philippines, Alliance of Transport Operators and Drivers Associations of the Philippines at Pasang Masda.
Nais ng grupo na itaas sa 8 pesos ang minimum na pasahe sa jeepney mula sa kasalukuyang 7 pesos dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.
Giit ng mga tsuper, hindi sila makakabawi sa kanilang operational expenses kung hindi tataasan ang minimum na pasahe sa jeepney.
Matatandaang ini-rollback ng LTFRB noong Enero sa 7 pesos ang pasahe mula sa dating 7 pesos at 50 centavos.
By Jelbert Perdez