Aaabot sa mahigit P80-M halaga ng mga pekeng produkto ang winasak sa grandstand ng PNP headquarters sa Kampo Crame.
Pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI), Philippine National Police (PNP), katuwang ang iba’t iba pang ahensya ng pamahalaan ang ceremonial na pagsira mga naturang pekeng produkto.
Dumalo sa naturang seremoniya sina PNP OIC P/LtGen. Archie Gamboa, DTI Usec. Ted Pascua, Intellectual Property Rights Dir/Gen. Josephine Santiago, at iba pa.
Kabilang sa mga sinirang produkto na nasabat ng iba’t ibang law enforcement agencies ay ang mga pekeng Louis Vuitton bags, sapatos, mga piniratang DVDs, at pekeng USB.
May mga pekeng cutting blade at sabon din, pekeng lotion, at seasoning mix, gayundin ang mga pampaputi na nasabat sa mga ikinasang operasyon nuong isang taon.