Target ng Department of Agriculture (DA) na bumaba ang presyo ng sibuyas sa P170 kada kilo hanggang P80 kada kilo ngayong taon.
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Kristine Evangelista na dahil ito sa inaasahang magandang suplay ng maaaning sibuyas ngayong 2023.
Magtalalaga rin aniya ang ahensya ng mas maraming cold storage facilities sa mga strategic areas upang mapalawig ang shelf life ng nasabing produkto.
Giit pa ni Evangelista, nais din ng DA na bumuo ang onion farmers ng price points na magpapatatag sa kanilang farmgate prices sa buong taon.
Nabatid na inaasahan ng ahensya ang mas mababang presyo ng sibuyas sa kalagitnaan ng buwang ito sa gitna ng mga pagsisikap ng gobyerno na mapanatili ang sapat na suplay sa merkado at ang harvest season.