Magkakaloob ng P800.00 birthday gift mula sa lokal na pamahalaan ang mga senior citizens ng Maynila simula sa susunod na taon.
Batay ito sa nilagdaang City Ordinance No. 8570 ni Manila Mayor Isko Moreno.
Manila Mayor Isko Moreno, nilagdaan ang isang ordinansa na magkakaloob ng P800 bilang birthday gift para sa mga senior citizen. Sisimulan ang implementasyon nito sa taong 2020. | via @ManilaPIO https://t.co/YsDLh369Cs
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 30, 2019
Nakasaad sa ordinansa na makakatanggap ng regalong P800.00 cash o in-kind o kombinasyon ng dalawa ang mga senior citizens tuwing araw ng kanilang kapanganakan. — ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)