Halos walong daang libong piso (P800,000) na ang naiipong multa ng local government ng Malay mula sa mga lumabag sa local ordinances na karamihan ay mga dayuhang turista sa Boracay.
Ayon kay Police Captain Jose Mark Anthony Gesulga ng Malay PNP, anim na raan at isang (601) violator ang naisyuhan ng citation ticket kung saan halos 76% ay mga turista.
Sinabi ni Gesulta na gagamitin ang multa para pondohan ang phase 2 ng Project BESST o Boracay Enhanced Security Strategy and Tactics na tinaguriang Battle of the Mainroad.
Ang Project BESST ay inilunsad nang pinagsanib na puwersa ng pulisya at Boracay Inter Agency Rehabilitation Management Group para matutukan ang pagkalat ng basura, paninigarilyo, ambulant vendors, sex workers at illegal tour guides para maging discipline zoned Boracay island tulad ng iba pang tourist destination sa bansa.
—–