Aabot sa P800,000 halaga ng iligal na paputok ang sinira ngayong araw ng Quezon City Police District (QCPD).
Ginanap ang operasyon sa camp karingal na pinangunahan ng mga personnel ng explosive and ordinance division ng qcpd at Bureau of Fire Protection.
Sa huling datos, aabot sa 58 operasyon ang isinagawa sa lungsod na nagresulta ng pagkakasabat ng mahigit 810,000 iligal na paputok.
Sa pagsamsam ng mga kontrabando, binanggit ng mga awtoridad ang republic act 7183 o ang act regulating the sale, manufacture, distribution and use of firecrackers and other pyrotechnic devices; at quezon city ordinance na nagbabawal sa paggamit ng firecrackers at pyrotechnic devices sa lahat ng pampublikong lugar sa lungsod.