Inihain na ng Trade Union Congress of the Philipines (TUCP) ang petisyon para sa hiling na itaas sa 814 pesos ang minimum wage sa Davao Region.
Nagtungo ang TUCP sa tanggapan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Davao kung saan kanilang inihirit na dagdagan ng 418 ang kasalukuyang 396 pesos na arawang sahod ng mga manggagawa sa rehiyon.
Ayon kay TUCP President Raymond Mendoza, hindi na sapat ang kinikita ng mga manggagawa sa nabanggit na rehiyon bunsod ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa gitna ng walang prenong oil price hike.
Posibleng abutin ng isang buwan bago makapaglabas ng desisyon ang RTWPB sa petisyon.
Una nang naghain ng petisyon ang grupo para sa 470 pesos na dagdag-sahod sa Metro Manila at 340 pesos sa Central Visayas.