Pinaiimbestigahan na ni Senator Francis Tolentino sa Senado ang malaki umanong pagkalugi ng Social Security System (SSS).
Sa kanyang inihaing Senate Resolution 1006, tinukoy ni Tolentino ang 2021 Unaudited Financial Statement ng SSS kung saan nakasaad na aabot sa 843.9 billion pesos ang kanilang lugi.
Batay naman sa resolusyon ng SSS, aminado itong isa sa mga dahilan ang pagkakaroon umano ng pagbabago sa panuntunan ng accounting ng Philippines Financial Reporting Standard.
Ikinonsidera rito ang mga basic payment na babayaran ng ahensya sa hinaharap.
Sa kabila nito, tiniyak ng SSS na secured ang kanilang cash loan at matutugunan ang pangangailangan ng mga miyembro.
Samantala, iginiit ng senador na kahit sapat ang paliwanag hinggil sa pagkalugi ay kailangan pa rin itong mabusisi at mabatid ang epekto nito sa pinansyal na kakayanan ng SSS na bayaran ang benepisyo ng mga miyembro.