Umabot sa 85 milyong piso na halaga ng tulong ang naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga indibidwal na naapektuhan ng pag-ulan at pagbahang dulot ng shear line.
Ayon kay DSWD spokesperson Asec. Romel Lopez, pumalo sa 51.8 million pesos na halaga ng financial assistance ang kanilang naibigay sa mahigit 10K benepisyaryo habang aabot naman sa 34 million pesos ang halaga ng food at non-food items.
Naipamahagi aniya ang mga ito sa Bicol region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, at Caraga.
Sinabi pa ni Lopez na mayroong 1.2 billion pesos na halaga ng standby funds ang ahensya para sa mga naapektuhang indibidwal.