Inihihirit ng isang grupo sa gobyerno na taasan ang suggested retail price ng asukal sa 85 hanggang 90 pesos mula sa 70 pesos kada kilo.
Sinabi ni United Federation of Sugar Producers (UNIFED) President Manuel Lamata na kailangan makarecover ang mga magsasaka mula sa pinsala na idinulot ng pananalasa ng bagyong Paeng.
Ini-request din ng grupo na itaas sa 60 pesos ang mill-gate prices para ma-stabilize ang presyo na P3,000/kg.
Kumpiyansa naman si Lamata kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang kalihim ng Department of Agriculture na maiintindihan nito ang sitwasyon dahil bilyon-bilyon halaga ng danyos ng naturang bagyo sa sektor ng agrikultura.