Inihihirit ng isang grupo sa gobyerno na taasan ang Suggested Retail Price (SRP) ng asukal sa P85 hanggang P90 mula sa P70 kada kilo.
Sinabi ni United Federation of Sugar Producers (UNIFED) President Manuel Lamata na ito ay dahil kailangang makarecover ang mga magsasaka mula sa pinsala na idinulot ng pananalasa ng Bagyong Paeng.
Kumpiyansa naman si Lamata kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA) na maiintindihan nito ang sitwasyon dahil bilyon-bilyon halaga ng danyos ng naturang bagyo sa sektor ng agrikultura.