Tinatayang 860 million pesos na pondo mula sa germany ang matatanggap ng pilipinas para sa climate change mitigation and adaptation projects.
Ayon kay Climate Change Commission Assistant Secretary Joyceline Goco, nangako ang Germany na popondohan nito ang naturang proyekto na sisimulan sa susunod na taon.
Katuwang ng CCC ang International Development Company ng Germany na Giz, na naglunsad naman ng support CCC 2 project na layong patatagin ang mga hakbang ng Pilipinas upang mabawasan ang epekto ng climate change.
Tiniyak anya ng German government na ipagpapatuloy nito ang pagtulong sa Pilipinas sa pagpapanitili ng pag-unlad at makamit ang sustainable development lalo’t malaki ang epekto ng mga kalamidad sa ekonomiya.
By: Drew Nacino