Nakumpiska ang tinatayang P88 milyong pisong halaga ng shabu at materyales sa paggawa ng bomba sa tahanan ni Albuera Leyte Mayor Ronald Espinosa Sr.
Ayon kay Chief Inspector Jovie Espenido, hepe ng Albuera PNP, natagpuan sa kusina ng tahanan ni Mayor ang 11 kilo ng shabu na nasa plastic lamang.
Nakuha rin sa raid ang 12 comouflage uniforms kasama ng iba’t ibang klase ng sangkap sa paggawa ng homemade bombs.
Matatandaan na isa si Espinosa kasama ang anak na si Kerwin sa mga pinangalangang drug lord ni Pangulong Rodrigo Duterte.
By Len Aguirre | Jonathan Andal (Patrol 31)