Makakatanggap ng P8,000 wage subsidy kada buwan ang mga manggagawang nasa pribadong sektor na nasa micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Ito ang inirerekomenda ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, na maglalaan ng pondo ang pamahalaan na 24-B wage subsidy para maprotektahan at mapanatili ang mga may trabaho.
Ang naturang hakbang ay bilang bahagi ng pagbangon ng mga manggagawang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Ipinabatid naman ni Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) President Benedicto Yujuico, na isama sa iprayoridad na mabakunahan ang mga essential economic workers.
Kabilang aniya dito ang mga nasa MSMEs na nasa flexible work arrangements o mga pansamantalang nagsara subalit may balak na magbalik operasyon.
Samantala, sinabi ni Lopez na nagsasagawa na ng ebalwasyon ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa rekomendasyon nilang wage subsidy program. — sa panulat ni Rashid Locsin.