Tinatayang aabot sa P8M ng imported na sigarilyo ang nakumpiska ng Bureau Of Quarantine (BOC) sa Mindanao Container Terminal Subport sa Tagoloan sa Misamis Oriental.
Ayon sa BOC Region 10, idineklara ang mga kargamento bilang furniture na nakatiwala sa isang Ceri Rey Viola.
Dumating ito sa Pilipinas noong Enero katorse taong 2022 na ipapadala dapat sa UHE Trading.
Ayon kay Oliver Valiente, Chief for Northern Mindanao ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), nitong buwan lamang nila natanggap ang impormasyon kaugnay sa naturang shipment.
Pero nang dumaan ito sa physical na eksaminasyon ay dito na nalaman na naglalaman pala ito ng imported na sigarilyo.
Ito ang pangalawang operasyon ng BOC kaugnay sa imported na sigarilyo matapos una ring masabat noong Enero 6ang container van na puno ng sigarilyo. —sa panulat ni Abby Malanday