Karagdagang P9.4-B na halaga ng economic activity ang inaasahan ng Malakanyang matapos isailalim sa mas maluwag na Alert level 1 ang Metro Manila at 38 iba pang lugar simula ngayong araw.
Ayon kay acting presidential spokesman at cabinet secretary Karlo Nograles, ang nasabing halaga ay economic activity kada linggo.
Sa pagtaya anya ni National Economic and Development Authority secretary Karl Chua ay mababawasan din ng 170,000 ang mga unemployed individual sa susunod na tatlong buwan kung magpapatuloy ang Alert level 1.
Magtatagal ang mas maluwag na Alert level 1 hanggang Marso 15.