Umapela ang Malacañang sa kongreso para sa 9 billion pesos na budget para sa taong 2023 kasama na rito ang 4.5 billion pesos para sa confidential at intelligence funds.
Nakasaad sa 2023 National Expenditure Program na isinumite sa House of Representatives, humiling ang Office of the President (OP) ng 9,031,722,000 pesos na pondo para mapanatili ang kanilang operasyon hanggang sa susunod na taon.
Kabilang sa paglalaanan ng pondo ay ang mga sumusunod:
- 7 milyong piso para sa retirement at life insurance premiums ng mga empleyado.
- 87 billion pesos para sa maintenance at iba pang operating expenses
- 56 bilyong piso para sa personal services
- 590 milyong piso para sa capital outlay
Iminumungkahi naman ng palasyo ang 2.25 bilyong piso para sa confidential expenses at isa pang 2.25 bilyong piso para sa intelligence fund.
Isinumite naman ng Department of Budget and Management (DBM) ang kanilang proposed 5.268 trillion pesos na national budget para sa taong 2023.
Nananatili namang highest budgetary priority ang sektor ng edukasyon, ayon sa mandato ng konstitusyon, at makatatanggap ng 8.2% increase sa 852.8 billion.
Pag-lalaanan naman ang mga programa sa imprastraktura ng kabuuang P1.196 trilyon, na nakikitang tutulong sa pagbangon ng ekonomiya kasunod ng pagbagsak nito dulot ng pandemya. – sa panulat ni Hannh Oledan